Hindi maikakailang si Ateneo center Kai Sotto ang dominanteng junior player ngayong taon.

May average na 25.1 points, 13.9 rebounds, 3.4 assists at 2.6 blocks ang 7-foot-1 slotman kaya nahirang na Most Valuable Player sa 81st UAAP juniors basketball.

Nakalikom si Sotto ng 97 statistical points sapat para masilo ang individual award.

Inakbayan ni Sotto ang Blue Eaglets sa 11-3 record sa elimination round at sa finals.

Dalawang taon na ang nakalipas, nahablot ni Sotto ang Rookie of the Year at sa nakaraang taon ay nasama sa Mythical Team.

Kasama ni Sotto sa Mythical Team sina Blue Eaglet Forthsky Padrigao, University of Sto. Tomas teammates Mark Nonoy at Bismarck Lina, RJ Abarrientos ng Far Eastern University at Joem Sabandal ng Adamson High School.

Ito ang kauna-unahang pagkaka­taon na nagkaroon ng anim na players sa isang Mythical 5.