South Korean actress, Go Hyun-Jung, na-ban sa SBS?

Go-Hyun-Jung

MAINIT na pinag-uusapan ngayon sa Korea ang pagba-back-out ng kilalang Korean actress na si Go Hyun-jung sa pinagbibidahang drama sa SBS, ang “Return”.

Kasalukuyang umeere ang naturang K-drama sa SBS kaya malaking isyu na ang mismong bida nito ay biglang nag-back-out at hindi na magawang tapusin ang sarili niyang serye.

Ang dahilan, ang hindi nila pagkakasundo ng PD (Production Director) ng Return na si Joo Doo Ming.

Kaugnay ng pangyayaring ito, nag-issue ng o­fficial statement ang management agency ni Hyun-jung na IOK noong February 8.

Ayon sa mga ito, “Go Hyun Jung will officially leave the cast of SBS’s Wed-Thurs drama ‘Return’. We would like to apologize sincerely to viewers, as ‘Return’ is currently re­ceiving so much love, and we have caused the production concerns despite this p­rosperity.

“During the production process, there was a diffe­rence in opinions between our side and the production staff, and we tried to work out these differences but ultimately did not succeed in closing the gaps. We have determined after a lot of discussion and thought that continuing to film at this point would be difficult. Rather than pointing­ fingers and blaming, we have accepted SBS’s order to leave the cast, because we understand that a person who has an issue must drop out, since a drama is made through the work of many individuals cooperatin­g togethe­r.

“IOK Company and Go Hyun Jung will send messages of encouragement to ‘Return’ as viewers from now on.”

Si Hyun-jung ang gumaganap sa karakter ni Choi Ja Hye, a rag-to-riches lawyer at may balita na posibleng alisin na lang ito sa kuwento. At planong humanap ng bagong aktres na idadagdag sa drama.

Unang nakilala si GoHyun Jung­ bilang Miss Korea noong 1989. Ang isa sa mga una niyang drama, ang Sandglass ang isa sa highest rated at award-winning drama sa Korea. Pansamantala siyang tumigil sa pag-aartista nang magpakasal siya kay Chung-yong-jin pero hindi naging matagumpay ang pagsasama nila at nauwi rin sa hiwalayan.

Kaya noong 2003, muli siyang nagbalik sa pag-arte at nagawa niya ang isa pa sa highest-rating drama na Queen Seondeok, dahilan para si Hyun-jung ay maging sa highest paid TV dram­a actress sa South Korea.

Ngayon, dahil sa pangyayari na iniwan niya ang sariling drama, posible raw na maba-ban na ang aktres sa SBS at hindi na makakagawa ng anumang programa sa network.

May balita rin na baka may legal action na gawin ang SBS laban sa aktres.

Pero mabilis naman itong pinabulaanan ng SBS sa lumabas na artikulo sa allkpop.com.

Ayon sa statement ng SBS, “It’s not true that we are considering punishment against Go Hyun Jung for leaving ‘Return’ because of conflict with the staff. We’ve never talked about it.”

‘Yun nga lang, makabalik pa nga kaya siya sa SBS o maba-ban talaga? Sa kabila ng ganitong isyu at pagkawala ni Hyung Jung, mataas pa rin daw ang naitalang rating ng Return.