Nagbabala ang PAGASA sa mga residente ng Southern Luzon dahil sa posibilidad na malakas na buhos ng ulan at baha dahil sa low pressure area (LPA).
Huling namataan ang LPA sa bisinidad ng Aroroy, Masbate.
Kabilang sa mga nakararanas ng ulan simula kahapon ang Masbate, Camarines Norte at iba pang bahagi ng Bicol region.
Habang may malakas na buhos rin ng ulan na aasahan sa Mindoro, Marinduque, Southern Quezon at natitirang parte ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.