Spa manager dinampot sa prostitusyon, 6 therapist naisalba

arrested-arestado-huli

Rehas na bakal ang hinihimas ngayon ng isang manager ng spa na sinasabing ‘front’ ng prostitusyon habang anim na babaeng therapist ang nasagip sa Quezon City, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brig. Gen. Ronnie Montejo, ang nadakip na si Rufilyn Tabac, 34, mana­ger/cashier ng spa at nasagip ang anim na babaeng therapist.

Ayon kay Montejo, nakatanggap sila ng impormasyon na nag-aalok ng ‘extra service’ sa mga kostumer ang LS Aroma SPA na pag-aari ng isang Wiljay Puno sa #285 City Plaza Homes 2, Tandang Sora, Brgy. Pasong Tamo, QC.

Matapos ang ilang araw na pagmamanman at positibo ang impormasyon, agad itong sinalakay ng operatiba ng District Special Ope­rations Unit (DSOU), District Women’s and Children Protection Desk (DWCPD) at QC Social Services Develop­ment Department (SSDD).

Alas-sais ng gabi (Nobyembre 27), isang undercover ope­rative ang nagpanggap na kostumer at nang nag-alok na ng ‘extra service’ ay agad na dinakip ang mana­ger at na-rescue ang anim na female therapist na itinurn-over na sa QC SSDD. (Dolly ­Cabreza)