Spa sa QC kinandado sa ‘extra service’

Ipinasara ng pamahalaang lokal ang isang spa sa Quezon City na nag-o-operate ng walang business permit at nag-aalok pa umano ng extra service sa kanilang mga kostumer.

Sinalakay umano ang Epitome Z Spa sa Brgy. West Kamias kung saan naaresto ang 14 katao kabilang ang tatlong massage therapist na nag-aalok ng extra service sa mga bakla.

Una rito ay nakatanggap umano ng impormasyon sa pamamagitan ng PNP hotline hinggil sa iligal na operasyon ng spa. Sinalakay ito matapos makumpirma na wala itong business permit mula sa Quezon City Hall.

Ayon kay Quezon City General Hospital director Dr. Josephine Sabando, dinala lahat ng inaresto sa Protection Center ng lungsod para sa physical examination at dalawang massage therapist ang nagpositibo umano sa mga sakit na hepatitis B at syphilis. (Riz Dominguez)