Matagumpay na nakalapag ang spacecraft ng NASA sa Mars.
Ang nasabing pag­lapag ng NASA sa nasabing planeta ay ikawalo na simula noong 1976. 
Nauna rito’y 2012 nang huling lumapag ang Curiosity rover na hanggang sa ngayon ay umiikot sa planeta.
Sa nasabing pagla­lakbay ay isang malinaw na imahe naman ang naipadala ng nasabing spacecraft sa NASA ilang minuto lang pagkalapag nito sa Mars.
“Altitude 300 meters… 200 meters… 80 meters… 60 meters … 50 meters, constant velocity 37 meters… 30 meters … 20 meters… 17 meters… standing by for touchdown… Touchdown confirmed! InSight is on the surface of Mars!” Kasabay nito ay ang masigabong pa­lakpakan ng nasa likod ng mission control.
Sa litrato mula sa InSight spacecraft ay matatanaw ang malawak at mabuhanging terrain ng nasabing planeta.
Plano ng InSight na maghukay sa Mars upang malaman ang interior ng planeta at matukoy na rin ng mga scientist kung ano ang ipi­nagkaiba ng Mars sa mundo kung saan puwedeng tirhan ng mga tao.
Labis naman ang nadamang kasiyahan ng mga scientist ng NASA partikular na ang pro­ject manager na si Tom Hoffman dahil sa deve­lopment ng kanilang misyon.