Spanish runner inabutan COVID-19

Nadagdag si three-time world junior cross-country veteran at silver medalist Santiago Llorente ng Spain sa mga biktima matapos igupo ng coronavirus disease.

Isa sa mga mahuhusay na long distance runner sa kapanahunan niya ang 61-anyos na ngayong Kastila, na nakilala sa pagkopo ng silver medal sa under-20 ng 1977 World Cross Country Championships sa Düsseldorf, Germany.

Mula sa nasabing event at nakaraang edisyon, kinatawan din niya ang kanyang bansa sa apat na okasyon sa senior World Cross Country Championships noong 80s, kung saan best finish niya ang 20th place noong 1986.

Nagpahayag ng kalungkutan si Spanish Athletics Federation (SAF), president Raul Chapada sa pagyao ni Llorente.

“The worst news of the day, Santiago Llorente has passed away from the damn virus. Our condolences and encouragement to his family and friends, rest in peace,” tweet ni Chapado.

Naging bet din ni Llorente ng Spain sa 10,000 meters ng 1986 European Athletics Championships kung saan tumapos siyang 18th place.

Si Llorente ang ikatlong Spanish athlete na namatay sa loob ng isang linggo matapos nina dating hammer throw record holder Lorenc Cassi, at 1975 World Cross Country Championships bronze winner junior team member Vicente dela Parte, 64.

Mahigit na 8,000 katao ang namatay sa COVID-19 sa Spain, mas marami ang sa katabi nitong Italy. (Lito Oredo)