WALEY: Hinimok ni Tata Nanding Josef (tagapamuno ng Tanghalang Pilipino) ang mga kasamahan sa teatro, TV at pelikula na tumulong kay Spanky Manikan.

Ang sabi ni Tata Nan­ding, “To all our dear friends in theater, TV and film, our dear friend, Spanky Manikan needs our help.

“Spanky, 75 years old has been diagnosed with lung cancer, stage 4, and is in need of financial assistance.

“He has been hospitalized 4 times already for various complications which has drained family savings (Spanky’s loving wife, who has been by his side all this time is fellow actor Susan Africa-Manikan).

“Though Spanky is slowly getting better, he needs 6 more cycles of chemotherapy. He is still confined in the hospital for pleural (lung) fluid drainage.

“Your kind and ge­nerous assistance will be very much appreciated. Spanky’s Savings Account is at BPI Magallanes, 0086-3268-64 under his full (real) name Manuel Manikan.

(Please share this with your other friends who might be able to help).

“Maraming salamat sa inyong lahat.”

***

Celeste Legaspi
Celeste Legaspi

HAVEY: Halos 2½ oras na tuluy-tuloy ang pagkanta ng OPM Icon na si Celeste Legaspi sa The Theater Solaire noong Sabado.

Lahat ay ginawa niyang mala-old school. Lahat ng spiels at lyrics ng mga kanta ay memorized.

Inayawan ni Celeste na gumamit ng teleprompter dahil gusto niya na galing sa puso ang lahat ng sasabin at kakantahin niya.

At hindi basta-bastang Filipino/Tagalog ang gamit, ha, kundi ‘yung may tamang ritmo, diin at kahulugan?

Ibang ibang ang CELESTE. Her last concert was in 1987 with CELESTE TUNOG PPO, and 30 years after, we have greater respect and admiration and love for her as an artist, a person and as a Filipino.

Mapalad ako na makapanood ng soundcheck/rehearsals bago ng actual show. Doon ko na-appreciate ang proseso niya sa paglikha.

Kahit napakahirap na gawing perfect at hindi magkaroon ng memory gap sa ibang letrang mahirap mamemorya, mahusay na naitawid ni Celeste ang kanyang mga kanta tulad ng Gaano Ko Ikaw Kamahal, Tuliro, Saranggola Ni Pepe, Sabado, Pipit at ‘yung Filipino translations ni Rolando Tinio ng mga English hits, pati ang mga kanta sa mga original musicals nila.

Naiintindihan at effective mong nararamdaman ang mga iyon dahil sa husay ni Teteng na magkuwento at mangkurot at haplos ng puso.

Nang kantahin na ni Celeste ang bagong komposisyon na handog sa kanya ng asawa niyang si Nonoy Gallardo na pinamagatang Nagpapaalam Na Ang Araw na tumuloy sa Never Ever Say Goodbye, sabi ko, wala na, todo na, may panalo na!

Wagas na palakpakan at standing ovation ang kapalit!

BRAVO, Mama Teteng!!!

Sa concert noong weekend nakita at nadama ng lahat kung bakit natatangi ang si­ning at buhay ng isang Celeste Gallardo (aka CELESTE LEGASPI) — all of 67 years na nagdulot ng masterclass in performance art — raw, vulnerable, honest and fearless.

Maipagmamalaki natin si Celeste, na buo pa rin ang loob kahit inaabutan na ng memory gap paminsan-minsan pero natural lang ‘yun.

Lalo tuloy siyang kinatuwaan ng audience dahil sa pagpapakatotoo niya.

Hindi rin itinago ni Celeste ang kanyang patuloy na pag-asa na maisama bilang opisyal na lahok sa Metro Manila Film Festival ang kanilang pelikulang La­rawan.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.