Playing safe itong si House Speaker Pantaleon Alvarez sa ilang kontobersiyal na isyung ­kumukulapol sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Unang-una rito ay ang imbestigasyon ng Kamara sa New Bilibid Prison (NBP) sa illegal drug trade kung saan ay hindi raw nito binigyan ng go signal ang chairman ng komite na nag-iimbestiga sa usapin na magrekomendang kasuhan si Senadora Leila de Lima na kinakaladkad sa kalakalan ng iligal na droga sa NBP.

Depensa ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na siyang tumatayong House Justice Committee chairman sa minorya ng Kamara na kumukuwestyon sa komite dahil sa hindi pagrerekomendang kasuhan si De Lima ay sinunod lamang nila ang direktiba ni Speaker Alvarez.

Kung may basbas ni Speaker Alvarez ang hindi pagrekomendang kasuhan si Sen. De Lima ng komite, nasaan talaga ang kanyang loyalty?

Kay Pangulong ­Rodrigo Duterte ba o sa mga nabingwit niyang kakampi sa Kamara para mapisil na lider ng Mabababang Kapulungan ng Kongreso?

Alam nating “in aid of legislation” lamang ang ginawang inquiry ng Kamara pero naniniwala akong malaki ang maitutulong ng kinahinatnan ng imbestigasyon para umusad ang kasong nais iestabilisa ng gobyernong Duterte sa ilang tinaguriang pulitikong sangkot sa kalakalan ng iligal na droga upang mapanagot ang mga ito sa batas.

Pero sa kinahinatnan­ ng naging report ng komite na hindi nagrekomendang makasuhan si De Lima sa kabila ng ­direktang pagtukoy ng mga testigo ay nagdulot ito ng pagdududa sa publiko lalo na sa mga tagasuporta ni Pangulong Duterte kung nasaan ba ang suporta ni Speaker Alvarez.

Ayaw nating isiping hawak si Speaker Alvarez ng ilang dating miyembrong Liberal Party (LP) na naglipat-bakod kaya mistulang sunud-sunuran na lamang siya sa kagustuhan ng mga kasama­hang naging instrumento kaya siya naluklok bilang House Speaker.

Kanya nga lamang kita-kita ang kahinaan ni Speaker Alvarez sa isyung ito na nakakabahala bilang kaalyado ni Pangulong Duterte na wala itong maitulong para maisakatuparan ng gobyernong Duterte ang hangaring makasuhan ang mga pulitikong sangkot sa iligal na droga.

Kung magiging ganito kahina ang House Speaker,­ mas mabuting iluklok na lamang ang kaalyado ng Pangulo na may kakayahang ipaglaban ang kanyang mga polisiya.

Kahit hindi na natin pag-uusapan ang partido sa kasong ito dahil sa naging takbo ng imbestigasyon aba’y kailangang may mapanagot na opis­yales ng gobyerno upang makamit ng sambayanang Filipino ang katarungan.

6 Responses