Speaker Arroyo walang endorsement letter sa BOC

Binigyang-linaw ng Bureau of Customs (BOC) na wala silang natatanggap na anumang liham mula kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na nag-eendorso ng aplikante para sa posisyon sa kawanihan.

Pinatunayan nito sa pahayag ng Speaker na hindi niya iniendorso ang sinumang aplikante sa alinmang posisyon sa pamahalaan.

Una nito, may mga liham na may pekeng ­lagda si Speaker Arroyo, isa sa mga ito ay nag-endorso sa isang aplikante sa BOC.

Nang beripikahin ng BOC kung ang pekeng sulat ay nakarating sa iba pang mga tanggapan ng bureau at kinumpirma na walang ganoong sulat ang natanggap ng mga ito.

Mahigpit na sinusubaybayan ngayon ng BOC ang proseso ng hiring alinsunod sa Civil Service Commission. Ang mga aplikante ay hindi na nangangaila­ngan ng anumang mga rekomendasyon o mga liham ng pag-endorso upang matanggap.