Special election gagawin sa Isabela

Magsasagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng espesyal na halalan ngayong araw, Mayo 20, sa Brgy. Dicamay 1, Jones town, Isabela makaraang sunugin ng dalawang armadong lalaki ang vote counting machine sa lugar.

Inaprubahan ito ng Comelec en Banc Sabado nang gabi, kasabay ng paglalalad na ang isasagawang special election sa nasabing lugar ay para sa local at national na posisyon.

Matatandaan na matapos ang araw ng halalan, alas-sais nang umaga noong Martes ay sinunog ng dalawang armadong lalaki ang mga election paraphernalia at VCM sa nasabing lugar na ide-deliver sana sa municipal hall.

Nasa sa 200 balota mula sa 11 polling precinct sa nasabing bayan ang kasama umanong nasunog sa insidente.