Special election hinirit sa Lanao del Sur

comelec

Kinalampag ng mga natalong kandidato sa Lanao del Sur ang tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) kahapon ng umaga para hilingin ang pagdaraos ng special elections sa kanilang lalawigan kasabay ng pagpapawalang-bisa sa resulta ng halalan noong Mayo 13.

Umapela ang mga natalong kandidato sa pagka-gobernador, alkalde at board member na aksiyunan ng komisyon ang kanilang petisyon para maituwid umano ang pandarayang naganap noong eleksyon at tuluyan ng umusad ang pagbabago sa kanilang lalawigan.

Nanawagan din ang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na paimbestiga-han ang pagkakapanalo ni Mamintal “Bombit” Adiong bilang governor at pagpapawalang-bisa sa proklamasyon nito dahil sa umano’y malawakang vote-buying.

Ayon sa natalong mayoral candidate na si Saylani Benito, may mga re-sidenteng lumutang para patunayang nagkaroon ng vote-buying, lantarang pre-shading ng mga balota na nagresulta sa karahasan sa lalawigan, taliwas sa pahayag ng pulisya, militar at Comelec na naging payapa at patas ang naganap na eleksyon sa kanilang probinsya.

Panawagan nila sa Comelec, umaksiyon sa lalong madaling panahon at ideklara ang petsa ng special election upang maipuwesto ang tunay na panalong kandidato (Mia Billones)