Kinuwestyon sa Supreme Court (SC) ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang special treatment kay Sen. Leila de Lima na ikinulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.
Sa 3-pahinang liham ng VACC sa SC na nakapangalan kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, iginiit nito na hindi saklaw ng panuntunan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang PNP Custodial Center kung saan nakapiit si De Lima.
Bakit umano binibigyan ng special treatment ang senadora gayong ang dalawang kapwa akusado nito na sina dating NBI Deputy Director Rafael Ragos ay nakapiit sa NBI habang si Ronnie Dayan ay sa Muntinlupa City Jail.
Malinaw umanong nakasaad sa Section 63 ng Republic Act 6975 o Department of Interior and Local Government (DILG) Act na ang mga district, city at municipal jail ang magbibigay ng kustodiya sa mga taong nakadetine o naghihintay ng imbestigasyon o paglilitis.
Ang hindi umano pagtalima sa nasabing probisyon ng batas ay taliwas sa prinsipyo ng equal protection of the law na ginagarantiyahan ng Konstitusyon.
Ang tangang Jimenez sa VACC ay naghahangad lang ng posisyon sa gobyerno dahil halatang nagpapahangin kay PD.
DAPAT KUNG MAY VIP SI DE LIE MA……GANUN DIN SA MGA TUMISTIGO LABAN SA KANYA….PARA PAREHAS LANG BA……
woww kwestyunin din ninyo si bong-bong at jinggoy mga hangal na bayaran!!!
Angal kayo ng angal naka kulong na at bakit di ninyo ihangal si Sec. Kalbo. Bias kayo. Pa imbistigahn ninyo si HELLO WALLY. Hinayupak kayo.
Questionin rin sana ng grupong ito kung bakit pinalaya c Gloria ng gobyernong ito!