Sped student pinag-shabu bago ginahasa

Pinasakan pa ng bote ng ketchup ang ari at pinilit gumamit ng shabu ng tatlong adik ang siang 17-anyos na dalagitang Special Education (SPED) student bago at pagkatapos itong gahasain sa Tondo, Maynila Sabado nang gabi.

Naaresto naman ang dalawa sa tatlong suspek matapos makilala ng biktima sa Facebook ang isa sa mga ito.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District-Station 1 na pinamumunuan ni Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo ang mga suspek na sina Manuel Saylo, 19, at Cesar Gabino, 30, parehong nakatira sa Tondo.

Habang tinutugis pa ng mga awtoridad ang isa pa nilang kasabwat na kinilalang si Danny Pelayo, 25.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:00 nang gabi noong Hunyo 1 nang pilahan ng tatlong suspek ang biktima.

Bago naganap ang insidente, bumili umano ang biktima kasama ang pinsan nito sa isang sari-sari store nang lapitan sila ni Saylo at sinabihang “Balik kayo ”.

Hindi naman umano pinansin ng magpinsan si Saylo at umuwi na ng bahay.
Lingid sa kaalaman ng magpinsan sinundan na pala ni Saylo ang biktima at isinama saka isinagawa ang panghalalay dito.

Agad naman nag-report ang ina ng biktima sa mga awtoridad nang malaman na nawawala ang kanyang anak at habang naghahanap ay nakita nila ito na pauwi na ng bahay pero tila pagod at tulala.

Sinabi umano ng biktima sa ina nang tanungin na galing siya sa bahay ng kanyang kaklase.

Natuklasan lamang nila ang nangyari sa biktima nang magbukas ng Facebook account ang hipag nito at eksaktong lumabas ang mukha ni Saylo.

Sa puntong ito nagkuwento na ang biktima sa mga kababu-yang ginawa sa kanya ng mga suspek at sinabing tinakot siya ng mga ito na papatayin kapag hindi sumunod sa gusto nila.

Ayon pa sa biktima, sinundan siya at dinala sa isang bahay at doon hinubaran saka ginahasa.

Sa presinto, itinanggi naman ng mga suspek na ginahasa nila ang biktima at sinabing hinipuan lamang nila ito dala ng kanilang kalasingan.

Itinuro rin ng mga suspek si Pelayo na siyang gumalaw sa biktima at matapos gahasain ay pinasukan pa umano nito ng bote ng ketchup ang ari ng dalagita.
Ayon kay Magdaluyo, lumabas sa pagsusuri na positibong ginahasa ang biktima.

Sinampahan ng kasong rape in relation to child abuse ang mga suspek at pinag-aaralan na rin ang paghahain sa kanila ng kasong may kinalaman sa paggamit ng iligal na droga. (Juliet de Loza-Cudia)