Sports academy batas na – Win

Sobrang trapik! Toll fee sa SLEX suspendihin – Gatchalian

Napirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Academy of Sports Act o Republic Act 11470 para sa kapakanan ng mga student-athlete ng bansa.

“Napirmahan na po ni Pangulong Duterte ang batas para maisakatuparan ang National Academy of Sports! Ang tagumpay na ito ay para sa ating mga batang atleta na nangangarap magbigay ng karangalan sa ating bansa,” anunsyo ni Sen. Sherwin ‘Win’ Gatchalian kahapon sa kanyang tweet.

Layunin ng batas na makapagtayo ng sports regional high schools na popondahan ng national government sa bawat rehiyon. Ito ay hahawakan ng Department of Education (DepEd) katuwang ang Philippine Sports Commission (PSC.

Magpapatupad ang NAS ng “secondary education program, integrated with a special curriculum on sports, targeting young Filipinos with the talent and desire to develop further their sporting skills.

“I firmly believe that with this law, we will be able to catch up with the rest of the world in terms of sports development,” komento naman ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, isa sa mga principal author ng law.

Mag-offer din ito ng full scholarships sa mga batang mag-aaral sa haiskul na may natural-born talent sa iba’t ibang sports. (Janiel Abby Toralba)