Nasa 200 mga kabataan ng 12 barangays ang nakibahagi sa parlor games ng ‘Larong Pinoy’ event sa 1st Mindanao Children’s Games sa Davao City.
Ang Philippine Sports Commission ang tagabalangkas ng proyekto para sa mga tsikiting edad 12 sa Davao City Police Open Field at sa Almendras Recreation Center. Bahagi ito ng programa ng PSC na Sports for Peace.
Nagalak si PSC Chairman William Butch Ramirez sa mga bata na mga sumali sa sack race, kadang-kadang at ‘maria went to town’ games.
Ang Barangays Bantol, Baguio Proper at Indangan ang 1-2-3 sa kadang-kadang, sack race at MWT races sa kanilang fastest time na binubuo bawat team ng 10 players.
Ayon kay MCG Davao Organizing Committee chairman at Philippine Sports Institute Davao coordinator Mark Samante, ang mga barangay na may 20 players ay pinayagang magkaroon ng dalawang lahok na teams.
Ilang teams ang naglakbay pa ng may 35 kilometers pa-venue araw-araw habang ang iba’y bumababa pa mula sa mga kabundukan makarating lang sa playing venues.