Walang mali sa spot checking na isinagasawa ng Civil Service Commission (CSC) sa alinmang tanggapan ng gobyerno katulad ng Senado.
Ito ang paninindigan ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah B. Belgica sa isyu ng fact-checking ng CSC sa Senado o maging ang ipinatutupad nitong surprise visit sa mga tanggapan ng gobyerno.
Sabi ni Belgica, kung ang ordinaryong indibidwal nga o taxpayer ay may karapatan na kumustahin ang serbisyo o trabaho ng isang ahensiya ng gobyerno lalo pa marahil ang CSC na siyang nagsusulong at nagtitiyak ng maayos at dekalidad na serbisyo publiko ng mga tanggapan ng gobyerno.
“Yes, yes po. I think ‘yun po ang issue tungkol sa fact-checking na ginagawa po ng CSC, ‘yung mga surprise visits po nila. I’m not so familiar kung ano ‘yung kanilang issues or problema po doon, pero I believe, kung ang question po doon ay whether ang Civil Service ay may jurisdiction or authority. I think even ang mga ordinary citizens can check on government agencies kung ginagawa nila ‘yung trabaho nila” saad ng ARTA Chief.
Giit ni Belgica, kung wala namang itinatago ay dapat maging bukas ang lahat ng tanggapan ng gobyerno sa spot checking. Sa katunayan ay kanya rin hinihimok ang lahat ng government regulatory agencies at disciplining bodies katulad ng CSC na magsagawa ng pagsusuri sa mga opisina ng pamahalaan. (Armida Rico)