Spurs, Bulls umiskor

Nagsumite si Davis­ Bertans ng 21 points nang talunin ng Spurs ang Charlotte Hornets, 102-85, Sabado sa San Antonio, Texas (Linggo sa Manila).

Ito ang ikatlong su­nod na panalo ng Spurs at nairehistro rin ang kanilang 30th win sa 37 laro.

Ang 24-anyos rookie­ na si Bertans, mula sa Latvia, ay sumalang ng 18 minuto, kumamada ng 5-of-6 field goal attempts kasama ang four-of-five lagpas sa 3-point area.

Umiskor naman si Kawhi Leonard ng 19 (7 for 18) sa 33 minutong laro. Habang nagdagdag si LaMarcus Aldridge ng 15 points at 11 rebounds at si Dewayne Dedom ay nag-ambag din ng 15 points at 11 rebounds.

Ito naman ang ika­lawang sunod na talo ng Hornets at 18th sa 38 laro.

Sa Chicago, hinabol ng Bulls ang 19 puntos para talunin ang Toronto Raptors, 123-118.

Nagpiyesta si Jimmy Butler sa kanyang double-double — 42 points at 10 rebounds — at hinablot ng Bulls ang 19th win ­laban sa 18 talo.

Si Dwyane Wade ang natatanging Bulls starter­ na umiskor ng double ­figures. 20 points at may seven assists.

Ika-12 talo naman ito ng Raptors sa 36 games.

Samantala, tinalo ng Atlanta Hawks ang Dallas Mavericks, 97-82.

Nagwagi rin ang Boston Celtics kontra New Orleans Pelicans, 117-108.

Nagtala ang Indiana Pacers ng 123-109 win laban sa New York Knicks.