Kulang sa tao ang San Antonio Spurs, pinagbayad sila ni Brandon Ingram at ng Los Angeles Lakers.
Umiskor si Ingram ng 26 points, nagdagdag si Lonzo Ball ng 18 points, 10 rebounds at six assists, at hinagupit ng Lakers ang Spurs 93-81 Huwebes ng gabi.
Kinalsuhan ng Lakers ang seven-game losing streak kontra Spurs sa Staples Center sa 72nd NBA 2017-18 elims game.
Umayuda si Larry Nance Jr. ng 14 points at 10 rebounds sa Los Angeles.
Umariba ang Lakers ng 23-5 run sa umpisa ng laro tungo sa 37-18 lead.
Nakabalik ang Spurs, pero muling kumalas sa fourth ang Lakers para kolektahin ang pangatlong sunod na panalo.