SAN ANTONIO (AP) — Umiskor si George Hill ng 22 points, nagpakawala ang Utah ng season-high 15 3-pointers, at iniregalo ng Jazz ang unang talo sa limang laro ngayong season ng San Antonio Spurs, 106-91, Martes ng gabi.

“He had a great game,” bulalas ni San Antonio veteran Manu Ginobili hinggil kay Hill na tatlong seasons ding naging point guard ng Spurs. “For three quarters they played good solid basketball and in the fourth he just took over. Made some big shots, good plays off the pick-and-roll. He’s a great player, we know he can do it.”

Pangalawang home loss lang ito ng San A­ntonio sapul noong March 2015. Hindi natalo ang Spurs sa home court noong nakaraang season hanggang April 10 at tumapos ng 40-1 sa AT&T Center.

Kumana ng game-high 30 points si Kawhi Leonard para sa Spurs.

Apat na sunod na baskets ang tinuhog ni Hill 6 minutes pa sa fourth, umiskor ng 10 points para ilayo ang Jazz, 96-88, may 4 minutes pa.

Naputulan ang Spurs, tuloy naman ang ratsad­a ng Golden State at ­Cleveland.

Sa Portland, umiskor ng 23 points sa third quarter si Stephen Curry tungo sa 28 para balikatin ang Warriors sa 127-104 panalo kontra Trail Blazers.

Pinakain naman ng alikabok ng Cavaliers ang dumayong Houston Rockets, 128-120, sa likod ng season-high 32 points ni Kyrie Irving at 19 points, 13 rebounds ni LeBron James.