Sta. Lucia dapa kay Galang, F2

Nagsanib puwersa sina Ara Galang at Kim Kianna Dy upang akayin ang F2 Logistics sa 25-22, 25-15, 25-15 pagtabon sa Sta. Lucia sa 7th Philippine Superliga Invitational Conference 2019 eliminations Linggo sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Umarangkada si Galang ng 6 attacks at tig-2 service aces at blocks habang bumakas si Dy ng 7 kills, 2 blks. at sevice ace para ilista ang back-to-back wins ng Cargo Movers­ ngayong Linggo sa season-ending women’s volleyfest.

Galing sa five sets victory ang F2 laban sa Generika-Ayala nitong Sabado, 22-25, 17-25, 25-16, 25-21, 15-10.

Bukod kina Galang at Dy, humugot din ng lakas ang Cargo Movers kay Fil-Am Tyler Marie Kalei Mau na nagbalik sa laro.

Dahil sa panalo, pormal nang sinilo ng Cargo Movers ang top seeding sa Pool D, tangan ang 5-1 karta at makakaharap ang No. 2 team sa Pool C.
Nasa Pool D ang Foton nang manalo sa unang laro kontra Lifesavers. (Elech Dawa)