Mga laro ngayon:

(FilOil Arena, San Juan City)

8:00 a.m. –- AU vs SBC (jrs)

9:30 a.m. –- AU vs SBC (m)

11:00 a.m. –- AU vs SBC (w)

Sumiksik sa third place ang last year’s runner-up San Sebastian College Recoletos matapos tuhugin ang Colegio de San Juan de Letran, 25-9, 25-22, 25-18 kahapon sa 93rd NCAA women’s indoor volleyball tournament elims sa Filoil Arena, San Juan City.

Naglagak ng 18 points, limang blocks at tatlong service aces si Joyce Sta. Rita upang akayin ang Lady Stags sa paglapa ng kanilang pangatlong sunod na panalo at ilista ang 4-2 karta.

Kasalo na ng Baste ang University of Perpetual Help System Dalta sa pangatlong puwesto sa 10-koponang liga.

Bago ang panalo sa Lady Knights, tumikada si Sta. Rita ng career-high 28 point performance laban sa Mapua University noong Martes.

“She’s willing to learn, that’s the reason she keeps on improving,” patungkol ni San Sebastian coach Roger Gorayeb kay Sta. Rita.

Tumikada para sa Letran sina Kathleen Barrinuevo at Jaymeleene Parin na may tig-anim lang na mga puntos. Nalasap ng Lady Knights ang pang-apat na talo sa anim na salang.