Staff binarat ng mambabatas

Hirap daw ang staff ng isang mambabatas na pagkasyahin ang suweldong tinatanggap sa kanyang amo.

Sakto lang kasi na panggastos sa pamasahe, pagkain at bayarin sa bahay ang tinatanggap niya sa mambabatas.

Hindi nga raw makapag-shopping ang empleyado dahil sa kakarampot na sahod sa kanyang amo.

Paano ba naman kasi, ginawa lang siyang consul­tant sa tanggapan ng mambabatas.

Pero ang oras ng kanyang trabaho, higit pa sa 8 oras kaya naman nanga­ngayayat na itong staff.

Binalak na nga raw umalis ng staff pero pinigilan ng mambabatas dahil alam niyang mapipilayan siya kapag nawala ang empleyado. Ang masaklap nito, hindi naman nagbigay ng umento sa sahod ang mambabatas.

Clue: Ang mambabatas na barat magpasuweldo ay mula sa malalayong lalawigan at may letrang D sa kanyang apelyido.