Kung dati ay hindi makabasag ng pinggan, ngayon ay may sungay na umano ang isang staff ng mambabatas.

Naging maangas na raw ang staff ng mam­babatas matapos ang ilang taon na pagtatrabaho sa amo.

Yumabang ang staff mula nang dumami ang mga kakilala niyang miyembro ng media.

Kaya ‘pag may bumira sa kanyang amo, siya na mismo ang umuupak dito sa social media.

In fairness sa kanyang amo, kaibigan ito ng maraming mambabatas at hindi nagkaroon ng buntot este sungay kahit sikat.

Clue: Ang mam­babatas na may staff na nagkaroon ng sungay ay mula sa malayong lalawigan at may letrang D sa pangalan as in Darak.