Staff ni Hontiveros nagka-COVID

Labis na ikinalungkot ni Senador Risa Hontiveros ang sinapit ng kanyang chief legislative officer na matapos makunan sa una nitong baby ay nagpositibo naman sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Atty. Jaye dela Cruz Bekema is my chief legislative officer. We all celebrated with her when she announced to us that she was pregnant and would be able to avail of the 105 day expanded maternity leave we worked on together,” sabi ni Hontiveros sa isang statement.

Ayon sa senadora, Abril 25 nang ibunyag sa kanya ni Atty. Bekema na nawala ang sanggol sa kanyang sinapupunan na nasa ika-18 linggo na.

Limang araw matapos makunan, sinabi naman ni Bekema kay Hontiveros na nagpositibo siya sa COVID-19.

“I was very sad when she informed me on 25 April that she had lost her baby at 18 weeks; and sad again and shocked when she notified us 5 days after that she had tested positive for COVID-19,” ani Hontiveros.

“She has been under self-quarantine since the start of the ECQ and has not been to the Senate since March 9. She is complying with all DOH guidelines on home-based COVID management,” dagdag pa nito.

Humiling naman si Hontiveros sa publiko na ipagdasal ang kanyang staff dahil sa pighating nararanasan nito ngayon.

“Rest assured, our office is doing all that we can to support her and to attend to her needs. We would also like to ask for your prayers for Atty. Jaye during this difficult time,” anang senadora. (Dindo Matining)