Staff ni TV host/comedian mapagsamantala

HINDI pala lahat ng shows sa Amerika ng isang sikat na TV host/comedian ay successful.
Dalawa lang daw ang sobrang dinumog ng mga Pinoy. Ang iba, waley na!

Ang nakakaloka lang, ‘yung ibang mga kasama pala ni TV host/comedian, sinamantala ang pagkakataon na nagkaubusan ng tickets sa dalawang shows niya dahil pati complimentary tickets ay ibinenta.

Ang mas nakakaloka pa, ang isa sa mga pinagbentahan nila, ‘yung isang taong malapit sa TV host/comedian na masyadong mabait sa kanila at kadalasan ay nagreregalo ng kung ano-ano sa kanila at nagti-treat pa sa kanila kapag nasa US sila (at kapag umuuwi ito sa ‘Pinas).

Walang kaalam-alam si TV host/comedian sa pagiging mapagsamantala ng ibang mga staff niya, ‘noh?!