Lahat gagawin ng Navy-Standard Insurance para mapanatili ang overall lead sa huling tatlong stages ng LBC Ronda ­Pilipinas 2017.

Nagkaroon ng one-week break pagkatapos ng Stage 11 na pinagwagian ni Navy rider Rudy Roque, agad tumungo ang buong tropa sa Iloilo para doon na mag-­ipon ng ­enerhiya.

“Punta na kami agad sa Iloilo para kahit paano magkaroon ng idea kung paano bisikletahin ‘yung mga dadaanan sa Stage 12.” ani Navy skipper Lloyd Lucien Reynante.

Hawak ni defending champion Jan Paul Morales ang overall lead sa nalikom na tiyempong 37 hours, 25 minutes, 56 se­conds, 2 minutes, 15 se­conds sa unahan ni teammate Roque.

Krusyal kay Morales ang Stage 12.

“Mahirap ‘yung tatlong stages sa Iloilo, si­guro kung ako pa rin ang nasa unahan pagkatapos ng ITT sa Stage 12, puwede ko ng sabihin na amin na ito,” saad ni Morales, 31, na lumalapit para maging kauna-una­hang back-to-back winner sa Ronda.

Isusuot ni Morales ang LBC red jersey simbolo ng overall leader sa event na taya ang P1 mil­yon premyo mula sa presentor LBC, MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Partas, Maynilad, Standard Insu­rance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCyc­ling at 3Q Sports Event.

Third si Cris Joven (37:37:03) ng Kinetix Lab-Army sunod si Bryant Sepnio (37:41:33) ng Go for Gold.