Mga laro ngayon:
Sta. Rosa Sports Center
1 p.m. – Opening ceremony
2 p.m. – Cignal vs Petron
4 p.m. – F2 Logistics vs Cocolife

Ipaparada ng Petron ang matitikas na American imports na sina Lindsay Stalzer at Lindsay StalzerLindsay Stalzer at Japanese libero Yuri Fukuda pagharap nila sa Cignal sa Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa Sta. Rosa Sports Center, Sta. Rosa, Laguna.

Pormal na bubuksan ang nasabing liga sa ala-una ng hapon saka magbabanatan ang Blaze Spikers at HD Spikers sa alas-dos ng hapon.

Bukod sa mga hugot, sasandalan din ng Petron sina locals Mika Reyes, Frances Molina, Aiza Maizo-Pontillas at Rhea Dimaculangan, pero inaasahang mapapalaban din sila nang todo sa Cignal.

Nakaraan, binulaga ng HD Spikers ang Cocolife, 25-15, 28-26, 25-15 sa out-of-town battle sa Bacoor City nu’ng Martes.

Pinamunuan ni high-flying reinforcement Jeane Horton ng United States ang opensa ng Cignal habang malaking tulong din si Sonja Milanovic ng Bosnia.
“Yes, I’m familiar with them. They really made a great impression and they are two of the best players here in the league last year,” saad ni Horton na haharapin sina Stalzer and Hurley. “But it’s now a new year, it’s the PSL 2018.”

Samantala magkakaldagan sa alas-kuwatro ng hapon ang Lifesaver ang defending champion F2 Logistics sa event na suportado ng Isuzu at UCPB Gen kasama ang ESPN5 bilang official broadcast partner.