Humugot ng lakas si Lindsay Stalzer sa kanyang experience upang bitbitin sa panalo ang Petron laban sa Generika-Ayala, 25-21, 25-15, 25-21 kahapon sa Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa Malolos Sports and Convention Center, Bulacan.

Pang fifth season na ng import na si Stalzer, nagtala ng krusyal na puntos sa third set para sa Blaze Spikers na malinis pa rin sa limang laro.

Lumakas ang kapit ng Blaze Spikers sa top spot ng team standings habang ang Lifesavers ay wala pang panalo sa tatlong laro sa event na suportado ng Asics, Mikasa, Senoh, Grand Sport at LGR.

Nagtala si 32-yearold Stalzer, former Bradley University star ng 20 points mula sa attack zone habang ang partner nitong si fellow American Hillary Hurley ay nag-ambag ng 11 kills, dalawang service aces at isang block para sa 14 points.

Nakontrol ng Petron ang spiking department, 46-31, at blocks, 5-3.

“We fought back from being down and I’m very happy with the composure our team got today,” saad ni Stalzer,former Most Valuable Player awardee­.

Tumikada si Symone Hayden ng 14 pts. habang kumana sina Darlene Ramdin at Angeli Araneta ng tig 10 markers­ para sa Lifesaver­s.