Mga Laro Bukas:
(FilOil Flying V Center)
4:15 p.m. – Cignal vs Generika-Ayala
7:00 p.m. – Sta. Lucia vs Smart

Ipinaramdam ni import Lindsay Stalzer ang kanyang lakas upang akayin ang Petron sa 25-14, 23-25, 15-25, 25-14, 15-13 laban sa makukulit na Cocolife kahapon sa Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Binasag ni Stalzer ang 13-all deadlock matapos hatawin ang back-to-back hits sa deciding set upang sikwatin ang pang-siyam na panalo sa 10 laro.

“We’re not concerned if we end up No. 1 or No. 2,” saad ni Petron coach Shaq Delos Santos. “We can’t be complacent, especially with what happened in our last game (against Sta. Lucia). It was a lesson learned and we would carry that as we go along (in our journey)”.

Kumayod si former Most Valuable Player Stalzer ng 21 kills para sa kanyang 22 points habang bumakas ang kapwa import Hillary Hurley ng 15 puntos para sa Blaze Spikers na binigo ang bagong reinforcement ng Cocolife na si FIVB World Grand Prix veteran Marta Drpa.

Nagpakitang gilas din para sa Petron sina Mika Reyes at Frances Molina kasama si Aiza Maizo-Pontillas.

Kumana si Reyes ng tatlong blocks at dalawang service aces para sa 13 points nito habang nagtala sina Molina at Maizo-Pontillas ng 12 at five markers ayon sa pagkakasunod.

Subalit para sa Delos Santos ang experience ni Stalzer ang naging susi sa kanilang panalo.