Magkakaroon ng mas mahaba-habang panahon para magkagamayan ang players ng Foton Filipinas na sasabak sa AVC Asian Women’s Club Championship sa Setyembre 3-11 sa Alonte Sports Center sa Biñan, Laguna.
Sinabi ni team manager Jose Mari Anguli na parating na ang foreign reinforcements ng Tornadoes na sina Lindsay Stalzer at Ariel Usher. Darating si Stalzer sa Agosto 12 mula Denver, Colorado, sa Agosto 15 paparito si Usher mula Portland, Oregon.
Tatlong linggo na magsasama-sama ang in-assemble na team, at nangako sina Stalzer at Usher na kondisyon sila para lumaro. Galing din ang dalawa sa indoor at outdoor volleyball camps nitong summer sa US.
Sasama na ang dalawang imports sa daily training ng Foton umpisa sa Agosto 16, pagkatapos ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Agosto 14.
“Both of them are in great shape and there will be no honeymoon period,” wika ni Angulo.
“We will buckle down to work as soon as possible and get themselves familiar with the locals.
Isasahog sina Stalzer at Usher kina Aby Maraño ng F2 Logistics, Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga ng RC Cola-Army, Jen Reyes ng Petron, at mainstays Jaja Santiago, Angeli Araneta, Patty Orendain, Bia General, Ivy Perez, Rhea Dimaculangan, Maika Ortiz, Kara Acevedo, EJ Laure, Cherry Ann Rondina at Carol Cerveza.
Naka-bracket ang Tornadoes sa Pool A kasama ng Lien Viet Post Bank (Vietnam) at Kwai Tsing (Hong Kong).