Standhardinger didribol sa FIBA 3×3

Pasok si San Miguel Beer rookie Christian Standhardinger sa Philippine team na isasabak sa FIBA 3×3 World Cup na ihu-host ng bansa sa June 8-12 sa Philippine Arena sa Bulacan.

Bago ang Rain or Shine-Ginebra game ng PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum kagabi, inihayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio ang komposisyon ng men’s at women’s teams na isasagupa sa torneo.

Kasama ni Panlilio sa announcement si Commissioner Willie Marcial at ilang miyembro ng Board of Governors.

Pasok din sa men’s sina Stanley Pringle ng GlobalPort, at sina Roger Pogoy at Troy Rosario ng TNT KaTropa.

Bubuo sa women’s squad sina Afril Bernardino, Jack Danielle Animam, Janine Pontejos at Gemma Miranda.

Ka-bracket ng Pilipinas sa Group C ng prelimina­ries ang Russia, Mongolia at Brazil. (Vladi Eduarte)