Matatapos na lang ang… pagsakal ng San Miguel Beer kontra Phoenix 117-100, nagkaroon pa ng komosyon sa MOA Arena Miyerkoles ng gabi.

Sa 4:11 mark habang abante ang Beermen 105-88, binangga ng Calvin Abueva si Kevin Murphy, umangkla ang kanang braso ng Beermen import sa leeg ng Phoenix forward at nahila hanggang likod ng basket ng Fuel Masters.

Nang mapawi ang komosyon ng magkabilang bench, binagsakan ng flagrant foul penalty 1 si Murphy.

Natawagan ng Technical fouls sina Phoenix coach Louie Alas, player Doug Kramer, at team manager Paolo Buguia dahil sa pagpasok sa court.
Nagsabwatan sina Christian Standhardinger at Murphy para itulak ang San Miguel sa 3-4, napigil naman ang Fuel Masters sa 6-3 card ng PBA Governors Cup.

Nagkamay din ang magkabilang bench pagtunog ng final buzzer.

Tumapos si Standhardinger ng 29 points at 14 rebounds, may 26 at 7 si Murphy. Nagsumite rin si Marcio Lassiter ng 26 mula sa 5 for 11 shooting sa 3s.

Sa first game, tumugon si Rashad Woods sa hamon ni coach Pido Jarencio at naligtasan ng NorthPort ang Meralco 99-94.

Hindi pumasok sa scoreboard si Woods sa first half, tinanong daw ni Jarencio: “Are we together in this campaign?”
Simpleng “Yes” ang tugon ng import.

Pagbalik mula sa break, nagkamada ng 15 points si Woods sa third para itulak ang Batang Pier sa 75-69 lead papasok ng fourth bago kumapit sa dulo para kolektahin ang pangalawang panalo sa walong laro at paypayan ang tsansa sa playoffs.