Team Standings
(PBA Commissioner’s Cup)
W L
TNT 3 0
Rain or Shine 3 0
GlobalPort 2 1
Alaska 2 1
Phoenix 2 1
Meralco 2 1
Columbian Dyip 2 2
Ginebra 0 2
NLEX 0 3
Blackwater 0 4
Magnolia 0 1
San Miguel 0 0

Mga Laro Ngayon: (MOA Arena)

4:30 pm – Columbian Dyip vs. Rain or Shine
7 pm – SMB vs. Meralco

Ngayon na ang araw na pinakahihintay sa PBA Commissioner’s Cup.

Sa unang pagkakataon, magde-debut sa pro league si Christian Standhardinger sa unang salang din ng San Miguel Beer sa midseason conference.

Meralco ang unang tatasa kay Standhardinger at defending champion Beermen sa nightcap mamaya sa MOA Arena, pagkatapos ng bakbakan ng Columbian Dyip at Rain or Shine sa first game.

All-eyes ang PBA fans kay 6-foot-7 Standhardinger, top pick overall ng SMB sa nakaraang draft. Ito ang pick na binigay ng Kia sa SMB kapalit ng ilang seasoned players.

Hindi agad nakasalang ang Fil-German sa Philippine Cup na pinagharian sa pang-apat na sunod na season ng Beermen dahil naglaro pa ito sa Hong Kong Eastern na kumampanya sa ASEAN Basketball League.

Dalawang linggo matapos kumpletuhin ng SMB ang four-peat sa all-Filipino noong April 8, sumama na sa team si Standhardinger.

Nakumpleto ang Triple Towers ni coach Leo Austria kina June Mar Fajardo, Standhardinger at import Troy Gillenwater na unang susubukang basagin ni Bolts import Arinze Onuaku. (Vladi Eduarte)