UP STANDOUTS TINAPIK NG PERLAS

Charo Soriano

Hinugot ng Perlas Lady Spikers sina UP standouts Kat Bersola at Nicole Tiamzon para sa kanilang kampanya sa Premier Volleyball League Reinforced Conference na magsisimula sa April 30 sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

“Yes, she (Bersola) and Nicole Tiamzon are playing for us,” saad ni Charo Soriano.

Tapos na ang obligasyon nina Bersola at Tiamzon bilang Lady Maroons, muli nilang makakasama ang kanilang college coach na si Jerry Yee na gagabay sa Lady Spikers na binubuo halos ng founders ng Beach Volleyball Republic.

Bukod kina Tiamzon at Bersola, makakasama nila sa Perlas team sina imports Brazilian spiker Rupia Inck at Japanese setter Naoko Hashimoto.

Ang ibang miyembro ng Perlas ay sina dating Ateneo stalwarts Amy Ahomiro, Mae Tajima, Dzi Gervacio, Ella de Jesus at Jem Ferrer, Amanda Villanueva ng Adamson at Sue Roces at Sasa Devanadera.

“They are a big addition to our team and their youth and energy should really help us,” ani Soriano.

Makakalaban agad ng Perlas ang Creamline Cool Smashers na ibabandera si volleyball superstar Alyssa Valdez sa main game sa 6 p.m.

Magkatapat ang Bali Pure Water Defenders ni coach Roger Gorayeb at Air Force Lady Jet Spikers sa unang laro ng 2 p,.m., magkalaban ang Power Smashers at defending champion Pocari Lady Warriors sa 4 p.m.