Star Magic jersey ni Kim sinubasta

NI: MILDRED A.BACUD

Nalulungkot ang aktres na si Kim Chiu sa tinatamaan ng COVID-19 sa kanyang probinsya. Bilang pagtulong sa mga frontliner ng Barangay Luz Cebu, ay sumuporta ang aktres sa fundraising campaign na pinangunahan ng volleyball superstar na si Sisi Rondina.

Kabilang ang jersey ni Kim sa auction na nagsimula na ang bidding sa halagang 1, 500 at magtatapos sa April 28, 11:58pm.

Matatandaang ginampanan ni Kim ang life story ni Sisi sa Maalaala Mo Kaya.

Bukod kay Kim, ang mga jerseys ng iba pang sikat ng volleybal players na sina Jaja Santiago, Dimdim Pacres, at Johnvic de Guzman ay bahagi rin ng auction.

Pinagdarasal naman ni Kim hindi lamang ang mga kababayan sa Cebu kundi ang lahat sa patuloy na krisis sa Covid. Bukod sa auction kung ilang beses na rin siya nakapagdonate sa mga frontliner kabilang ang 2000 face shields .