Games ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

3:00 p.m. — Meralco vs. Tropang TNT
5:15 p.m. — Rain or Shine vs. Phoenix

Tumipa sina Marcio Lassiter at Alex Cabagnot ng back-to-back 3s upang mapatakbo sa defending champion San Miguel Beer ang kapana-panabik na eskapong 94-93 win kontra NLEX samantalang nakapasok na sa win column ang Blackwater sa pagbulaga sa Star, 100-98, dahil sa maagang mahigit nine minutes pa nang ma-fouled out si Marqus Blakely.

Akbay ang San Miguel sa triple-tie para sa lead sa Oppo PBA Governor’s Cup sa 2-0 record kahanay ang mga idle Meralco at Mahindra. Unang nilasing noong Linggo ng SMB ang Phoenix, 124-113.

“Well, nasa bingit na kami ng kamatayan pero swerte at naroon si Marcio,” nakahingang maluwag na wika ni Beermen coach Leo Austria, na 3-0 na sa NLEX sa ongoin­g season sa likod ng mga umatakeng si AZ Reid na may 23 points at 11 rebounds sa kabila na nabarog ang ulo sa third sa aksidenteng bagsak.

 Nagmumog ng 19 si Cabagnot, nagpader ng 16 si June Mar Fajardo, sumulsi ng 13 si Gary David at walo si Lassiter na may palawit na nine reounds at 2 assists pa. Saktong may seven tenths ng segundo pa nang isalba ni Lassiter ang winning shot bago ang salang trey attempt ni Jonas Villanueva sa Road Warriors.

Tumagpas ng 33 pts. at 6 rebs. at 4 asts. si Henry Walker, pero si Jonas Villanueva lang ang sumingasing sa locals ni Boyet Fernandez sa back up 14 pts. sa kabiguang masundan ng Road Warriors ang 96-90 decision sa Elite.

“Ganu’n na itong conference na ito talagang import to dominate. Nawala si (Marqus) Blakely Iwe bring  back Eric Dawson na five fouls na rin. It’s great effort by the locals a tribute for their late teammate Gilbert Bulawan,” bigkas ni Blackwater coach Leo Isaac na naiwang ‘di na lang natatalo sa liga ang NLEX, Tropang TNT at Rain or Shine.

Tuloy ang hostilidad sa Big Dome pa rin sa Petron Saturday Special tampok ang walang utul-utol na singhalan nang palabang Bolts (2-0)-nagkakaisang Tropang TNT (1-0) sa three o’clock at kapwa nais bumawi para makaisang RoS (0-1)-Fuel Masters (0-2) sa 5:15 p.m.

STANDINGS TEAMS       

                       W L
Meralco           2 0
Mahindra         2 0
San Miguel       2 0
Ginebra           1 0
Tropang TNT   1 0
NLEX              1 1
Rain or Shine  0 1
Star               0 1
Blackwater    0 1
Alaska           0 1
Phoenix         0 2
GlobalPort     0 2