ALL-FEMALE group na sing & danz nang todong-todo, mag-aaklas kung hindi tatanggalin ang bida-bidahang starlet-dancer- host!
Banas ng banas na ang mga kagrupo niya dahil kung umasta si feeling pretty eh siya ang nagdadala ng grupo.
Fact na fact, nakikialam siya sa hatian ng song at blocking ng dance nila.
Gusto niya, lamang na lamang siya. Na siya ang center of attraction and gravity.
Siya rin dapat ang unang sasagot sa mga Q&A nila sa pag-i-invite o pagpo-promote ng show o raket nila.
Sa outfits, dapat siya ang naiiba ang color ng suot from head to toe.
Pati yata kulay ng panty, dapat ‘yung kanya ang kakaiba na may pakintaban pa.
Akala yata ng babaeng ito ay bow lang sa kanya ang mga kagrupo.
Sinasagut-sagot na siya. Napitcharahan na rin ito nang minsang talakan ang isang member.
Ngayon ay wala nang kumakausap dito. Nag-iisa na lang siya sa room.
Iyun naman ang gusto niya. As in iniiwasan na siya nang bonggang-bongga.
Kahit pa masalubong siya ay pinapaulanan na lang ito ng mga irap, ismid at malulutong na tawanan.
Naisumbong na ito sa head ng show at napagsabihang huwag siyang mag-feeling sikat.
Pero waaah siya care!
Kahit ganu’n na ang lahat sa kanya, hindi siya natinag o natakot.
Ang chika niya, malakas ang kakilala niya na any monument ay siya ang kakampihan at patatalsikin ang mga gustong pabagsakin siya.
Ganu’n na lang ang yabang ni ateng na laging nakapusod ang hereret dahil marami ang nagsasabi kuning-kuning sa kanya na ‘yun ang bagay sa fez niyang bilugan.
Sa pagkain, nagsosolo na lang si atittude at wala nang sumasabay sa kanya.
Pati ‘yung ibang staff, waaah na siya feel dahil sa kahibangan niya.
‘Yung madalas niyang ka-partner, iniiwasan na rin siya dahil nainlabey si feelinggera lalo na pag nagkakaskasan sila habang nagsasayaw.
Ngayon ay tahimik lang siya at ang glam team niya lang ang kumakausap sa kanya.
Kung nasa stage na ito ay wagas kung makairap at pa-tweetums pa rin sa mga boylet group na hapit na hapit ang mga suot na pantalon.
Kaya lang, ‘yung iba roon ay hindi rin siya feel kaya dinadaan-daanan na lang siya.
Kung maka-English si ate, matatalo ang accent ng mga taga-UK kesehodang kadalasan ay wrong grammar siya.