STARLET/SINGER/HOST, feeling bisi-bisihan at ngarag-ngaragan.
Siya na ang post nang post sa FB & IG ng kanyang schedule sa taping, shooting, out of town shows, meeting, convention, look test, party-party, etc etc etc…
Super niyayabang niya rin na besh niya ang mga kilalang actress ng Pilipinas.
Na lumalafang sila sa mga yayamaning resto at nakikipag-unahan pa siyang magbayad kaya lang, lagi siyang nauunahan. (May ganu’n!!!)
Gora rin daw sila sa mga bar na mga sosy, famous o richie-richie lang ang nakakapunta.
Kaya buy siya ng mga OOTD at OOTN para maka-level siya nang husto sa mga friendita niyang alta.
‘Di rin siya nagpapatalbog sa mga alahas, kaya buy kete buy siya at cash daw (take note).
Waaa niya raw feel ang hulugan at baka masira pa ang name niya sa kapareho niyang socialites.
Sa isang condo ng mga rich & famous sa BGC, tinext siya ng kanyang friend.
Pinapapunta si starlet dahil may bibigay na gift si rich friend. Si ateng feeling ang mamimili ng gusto niyang regalo.
Halos magkandarapa si yabang na parang nilipad ang condo ng rich friend niya.
Pagpasok ni starlet, nakalagay ang mga alahas sa table.
Na-shookt siya sa brillo at gandara ng mga ito, pero ang hanash ng potah, “Huwag na! Ang dami ko ng ganyan at hindi ko naman naisusuot!”
Nang mga sandaling iyun, nasa CR ang alahera.
Paglabas ni alahera ay na-sight niya agad si starlet.
Nagtama ang kanilang mga mata.
Tumbling ang puso ng starlet na hitad!
Hindi mawari ni starlet kung inaapoy ba siya ng lagnat o nangangatal sa lamig ang bawat himaymay ng kanyang laman.
Parang maiihi siya na bubulwak ang masaganang regla habang sumusuka, lalo pa’t nagsalita ang alahera, “Uy! Buti, nakita kita! Bayaran mo na ‘yung hikaw at singsing na inutang mo sa akin!
“Ang tagal-tagal na nu’n! At bakit mo ako pinagtataguan, ha?!”
Halos himatayin si starlet sa kahihiyan.
Bigla itong tumalilis at hindi na nagpakita sa mayamang kaibigan.