Starlet na si Krista Miller pinalaya sa droga

Pinawalang-sala ng Valenzuela Regional Trial Court noong Biyernes ang aktres na si Krista Miller kaugnay ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act No. 9165).

Sa isang online news, ipinakita ni Miller, 27-anyos ang Certificate of Discharge na pirmado ni Chief Insp. Jundelina Jagunap, warden ng Valenzuela City Jail kung saan nakakulong ang aktres simula pa noong Oktubre 14, 2016.

Si Miller ay nadakip kasama ang isang nakilalang Aaron Medina noong Setyembre 30, 2016 sa isang buy-bust operation sa Santolan Road sa Velenzuela.

Dahil sa mahinang ebidensya ay inabsuwelto ito ni Judge Snooky Maria Ana Bareno-Sagayo, ng Branch 283 ng Valenzuela RTC at inatasang palayain.

Labis ang pasalamat ng aktres sa kanyang paglaya.