Starlet, nalinlang ng SEXY actor

linlang

SEXY actor, matulungin sa mga bagong artista?

Kilala siya sa industriya ng TV at pelikula. Guwapo siya, sexy at magaling.

Kahit anong role, keribells niya. Comedy man ito o drama. Action, suspense, kontrabida. Effective siya.

As in maaasar tayo sa angking galing niya.

At sa hubaran naman, nakakapaglaway siya. TALAP-TALAP talaga si kuya.

Ilang beses na siyang nagpalipat-lipat sa tatlong TV station.

Kung waley naman siyang work, OK lang sa kanya. Hindi problema.

Andiyan pa rin naman ang jowa niyang badidang na tumutulong sa mga pangangaila­ngan niya.
Siempre, may kapalit pa rin ‘yun.

Kaya si beki, kapag nasa housing project niya si sexy actor, super-lambitin pa rin sa batuta ng jowa.

Chupa Chups!

Pero whether you like it or not, lumilipas talaga ang kinang ng artista.

May hangganan ang lahat. “This too shall pass.”

Kaya si actor, tumatanggap na ng maliit na role.

Guest lang siya sa launching movie ng isang starlet. Eh friend niya pala noon pa itong ilo-launch.

Nabalitaan ni starlet na halos lahat ng guests sa launching movie niya ay WA pay.

Kung meron man, pang-gas lang.

Super-cry ang bidang starlet kay actor. Wagas ang kanilang yakapan.

Paulit-ulit ang pasasalamat ng starlet na ilulunsad. “THANK YOU! THANK YOU! THANK YOU!”

Tumataginting na labimpitong (17) THANK YOU.

Sabi ni sexy actor, “Ikaw pa?! Walang problema. Dapat kang tulungan dahil mabait ka!”

Natapos ang maikling eksena.

Mula sa kaiburan ng kanyang atay at bituka ay super-THANK YOU uli si bidang starlet kay sexy actor.

Nang makaalis na ang aktor, nagkachikahan si bida at ang direktor ng kanyang launching movie.

Masayang kuda ni bida, “Ang bait niya, ‘di ba, direk? Kaya tumatagal siya sa industriya, marunong makisama. Madaling pakiusapan.”

Sagot ni directed by, “Hindi, ah?! Nagpaba­yad siya at malaki! May cut-off time. At nagpabili pa ng food sa Italian restaurant, huh?!

“Puta ka! Iyak ka nang iyak! Thank you to the max ka eh malaki ang bayad sa ha­yop na ‘yun!”

Ang sumunod na eksena …. moment of silence.

***

Ang dancer/actress na ito ay hindi kaga­lingan pero walang duda, yayamanin.

Nakikita naman ito sa kanyang caru, alahas, bags, outfits, gadgets et cetera et cetera et cetera.

They say na masaya si dancer/actress sa mga anak niya pero hindi sa husband niya.

Kung titingnan, parang wala siyang dinaramdam sa buhay. Iyung mga junakis niya, hindi apektado kung ano man ang isyu sa kanilang parents.

Lahat ng gusto ng mga junanak, naibibigay ni mama.

Kung saan gustong pumunta ng mga bagets, GO! Iyung mga gustong bilhin, BUY!

Kung saan gustong resto, LAFANG!

One day, isang araw…. Na-invite si dancer/actress sa party na may buffet. Eat all you can,

Isinama ni mama ang mga anak na kayhihina chumibog. Sarap-sarapan ang iba’t ibang ulam pero hinay-hinay ang mga bagets sa paglafang.

Pero si dancer/actress… walang pakundangan! Mistulang HLPG (hampaslupang patay-gutom) kung tirahin ang mga pagkain!

Para bang two weeks & 3 days itong tubig lang ang pumapasok sa katawang lupa kaya bumabawi sa buffet.

At ang tunay na nakakahiya…. binabalot ni mama ang iba’t ibang klase ng keso sa tissue para i-take home!

Waley siyang hiya! Phil Collins niya ang iba’t ibang chiz escudero!

Keber siya!