GALING si female starlet sa isang panghapong show na madaling na-lost sa ere.
Hindi po That’s Entertainment ‘yon, ha?!

May sumikat namang dalawang sexy star sa nasabing teen show, in fairness.

Si female starlet, knows naman ang lahat like singing, dan­cing, hosting & dramatizing pero hindi umangat-­angat ang kanyang name.

Nananatili siyang starlet for all seasons & reasons.
Superstarlet! Mega-starlet!

Ultraelectricmagne­tic Starlet!
Eh kasi naman, nauuna ang yabang ni ate!!!

Sa isang out of town show ni ultimate starlet, kasama ang kilalang gay comedian at isa pang da hu na host/singer.

Ayaw patalbog ni starlet sa mga rich people sa province.

Sa laki ng farm ng nag-invite sa kanila, ipi­nagyabang ni starlet na mas malaki ‘yung farm nila.

May helipad. Mara­ming puno ng iba’t ibang prutas na naglagla­gan na ang mga bunga at hinahayaan lang sa kanilang mga kanayon para hindi magutom ang mga ito.

Taraaaat, di ba?

Pero take note! Sa Mega Manila, nangu­ngupahan lang sila.

Ang latest, pinapaalis na sila dahil tatayuan ng condo ang tinitirikan ng balaysung nila.

100% din ang yabang factor ni ate sa kanyang mga damit, shoes, accessories at make-up na nabili kuning-ku­ning sa Hong Kong, Tokyo, Shanghai, Bangkok o Dubai.

Kesyo branded… signature…. top of the line!
Top of the line my ass!

Ang truth and nothing but the truth, buy lang sila sa Divine (as in Divisoria).
Sa taping nila, maraming involved na extra kaya careful-careful siya sa kanyang kilos.

Rambulan ang scene.
Siempre, may banggaan, sikuhan, tulakan, balyahan …

CUT si direk.

Perfect!

Big­lang nag-iiyak si starlet na walang ning­ning.

Nasira raw ang kanyang watch na galing sa Tokyo, Japan. Lalaking extra ang nakabunggo sa kanya at tumilapon ang kanyang relo.

Super-sorry ang extra na mangiyak-ngiyak pa.
Na-sight ang isang part ng watch ng isa ring extra.

Laking gulat ni extra #2 na pareho sila ng watch ni feeling star.
Binili ni extra #2 ang kanyang relo sa Quiapo at nakalagay lang ito sa bilao.

Ipinalit na lang ni extra #2 ang relo niya sa relo ni starlet na tigas ng tanggi, na kesyo orig ‘yung kanya.

Sinuri ng manunuri ang mahiwagang relo.
Ang sagot ng manunuri, P50 lang ang relo ni ate.

Hindi na nag-emote si ate.

Nakayuko siyang bumalik sa tent kasama ang mga kapwa niya starlet.