Starlet, sobrang na-stress sa terror director

KILALA si Directed By (DB) bilang “terror director” sa iba niyang mga artista.

Naninigaw kasi si DB sa kanyang mga artista lalo na kapag hindi makuha ang kanyang instructions sa eksenang kinukunan at nagiging cause of delay ng taping o shooting.

Effective sa karamihan ng kanyang mga artista kapag nasigawan sila ni DB dahil mas gumaga­ling sila sa kanilang mga eksena.

Pero hindi sa lahat…

May isang tisay star (TS) na produkto ng isang artista search show na naging artista ni DB kamakailan.

Hindi effective kay TS ang mga pasigaw-sigaw ni DB sa set ng pelikulang ginawa nila.

Tuwing sumisigaw kasi si DB, mas nai-stress si TS at nara-rattle sa eksena.

Naha-hurt nang bonggang-­bongga!

Mas hindi makapag-“deliver” si TS kapag nagagalit si DB.

Napansin ‘yon ng line producer (LP) ng peli­kula, kaya ang ginawa niya, kahit na sa kanya pa magalit si DB, pinaki­usapan niya ito na huwag na lang sigawan si TS.

Ipinaliwanag ni LP kay DB na kapag sumi­sigaw ito, mas nara-­rattle si TS at mas tuma­tagal ang kanilang mga eksenang kinukunan.

Worried si LP at baka lumampas na sila sa budget kung magtatagal pa ang shooting nila dahil sa kasisigaw ni DB kay TS.

Baka mas mabagal pa sa snail ang kanilang shooting.

Tama si LP dahil ­simula nang ­pakiusapan niya si DB na huwag nang taray-tarayan si TS sa pamamagitan ng pagsigaw sa set, aba, mas nakaarte na si TS.

Obvious na ginagalingan nito sa mga eksena at nawala na ang pagka-rattle niya dahil hindi na sumi­sigaw si DB.

Natapos ang pelikulang ‘yon.

Sabi naman ng mga nakakakilala kay DB, hindi ba at karamihan sa mga artistang nasigawan nito ay sumikat at naging maga­galing na mga artista?

Eh, kung kay TS ay naging mabait si DB, hindi kaya forever na ring maging starlet ang level ni TS?

Well…