starletNOT so young starlet na kaka-enter lang sa showbizlandia, nag-feeling belong na belong sa lupon ng mga artista!

Maganda siya at may acting din naman kaya ka-join siya agad sa isang serye.

Chika ng ibang starlet, malakas ang parents nito sa management kaya hindi nahirapan sa pagpasok nito sa television.

Sa isang birthday party ng isa sa kasamahan niya sa serye, late itong dumating.

Tinay­mingan niya na dumating na ang malala­king artista sa venue before siya pumasok.

Ementer na ang feelingera na mala-Joker ang ngiti para mapansin siya ng mga utaw.

May bitbit itong regalo na wrapper pa lang, yayamanin na. Kumaway na pang-Miss U ang potah as if kapapanalo pa lang sa beauty contest.

Sight niya agad ang b-day celebrator kaya inakap niya ito nang mahigpit at bineso-beso pa.

My chika pa ang hitad, “Sorry, I’m late. Ga­ling pa kasi ako sa pictorial.”
Siempre, si b-day ce­lebrator, umokey lang at dinala na ito sa table niya.

Doon na nag-umpisang makipagchikahan si starlet sa mga visitor na ‘di niya naman knows.

Tumatawa pa at kumakaway si starlet sa mga bisita.

Iyun na ang signal na magte-table hopping siya. Bineso niya ang mga artista pati managers, handlers, at mga julalay.

Nasuyod niya lahat! Wala siyang pinalampas!
Kulang na lang, pati mga waiters, halikan niya.

Wala siyang kapaguran, ‘tsurang magkandadapa na dahil sa mga nakakalat na cable ng kuryente at mga silyang wala na sa lugar.

Maya-maya, huminto na ‘to sa kararampa at nakipagchikahan na lang sa relatives ng may birthday.

Napansin niya siguro na nawawala na isa-isa ang mga taartits na nahilo yata sa kakaikot niya.

Gumabi na… pero nandu’n pa rin si lukring. Chumichika pa rin kahit oras na ng pagliligpit.
Tapos na pala ang party-party.