STARLET na pretty, OA ang reaction sa mga blind item.
In fairness and in fairview, ilo-launch na siya sa isang sexy movie.
Produkto siya ng isang artista search at kahit hindi siya nag-winona santos (opo, luz fernandez at luz valdez siya), hindi siya nawawalan ng project.
May chismak pa dati na may D.O.M (sugar daddylicious) si ate bago um-enter sa showbiz, kaya bongga siya pag nasa taping, shooting at showbiz gatherings.
Eh paano ba naman, bihis na bihis ang gaga na bitbit pa ang mga mamahaling bag.
Kaway rito, kaway roon at kaway-kaway everywhre ang drama kahit wala namang red carpet.
Hanggang ngayon, ganoon pa rin siya kahit walang project.
Kaya pala, ibinahay siya ng mashondang yayamanin.
Minsan sa kanyang pagrampa sa isang sosy mall, may ka-join siyang menthol – hindi ‘yung gurang, ha?!
Boylet na kilala sa sports ang nakaakbay kay ate!
Laging ganu’n ang drama niya, kaya pala kahit wah siya kayod sa showbiz eh kinakayod naman siya ng mga lalake niya. (Ang hard ba, titoh? Ang harsh?)
Sa isang movie event, shocking Asia ang mga utaw dahil si starlet, hindi na makilala.
Andaming naiba sa buong fez niya.
Pero siya, kwidaw! Sabi niya, mamatey kayo sa inggit!
Mga tera!
Minsan, nanood siya ng showbiz chikahan sa teleradio. Aba! Nag-enjoy siya! Laff nang laff si gaga!
Nag-blind item ang isang gay host. Tawa nang tawa si ate at tinawag ang mga taong nandoon at pinapanood ang chumichikang bading na nagba-blitem (blind + item).
Shout for joy si ate, “AYYY!!! AKO ‘YAN!” sabay tawa.
Chika pa ni ate, “Kakaloka! Alam niya! Sino kaya ang nagkuwento sa kanya?”
May comment pa si ate, “Hellow?! Nagkita lang kami sa hotel, date na agad?!” sabay halakhak nang pagkalutung-lutong.
Ang mga utaw, nakatingin sa kanya. Takang-taka kung bakit parang proud na proud pa si ate na siya ‘yung bina-blind item.