In a way ay iyan ang ginawa ng Philippine Oversease Employment Administration (POEA) nang ipasara ng anti-illegal recruitment nito ang opisina ng LDQ Manpower sa Valenzuela dahil sa pagre-recruit ng walang kaukulang permit. Napag-alaman na ang LDQ ay nangako ng patrabaho sa Japan para sa caregivers, factory workers at cleaners kasabay ng paghingi ng malaking halaga sa mga aplikante.
Kabilang sa mga sinisingil raw ng LDQ ay P70,000 processing fee, P32,000 plane fare at P20,000 bilang show money. Obvious na illegal recruitment ang modus, ayon sa POEA, dahil walang kaukulang work permits at ilalabas daw ng bansa ang mga aplikante via escort service.
Ang “escort service” ay ang paghahatid sa mga aplikante sa boarding gate ng eroplano upang hindi masita ng immigration. Noong mga nakaraang administrasyon ay nangyari ang “escort service” sa pakikipagsabwatan ng ilang tiwaling immigration personnel.
Amicable settlement
Hindi malinaw sa pahayag ng POEA kung may napaalis na ngang aplikante ang LDQ in which case kailangang imbestigahan kung sino ang contacts nito sa airport na nagsasagawa ng “escort service”. Posible rin naman na wala talagang napapagtrabaho sa mga aplikante kung kaya wala naman kailangang bigyan ng “escort” sa airport.
Either way, tinutulungan raw ng POEA ang mga nabiktima sa pagsasampa ng kaso laban sa LDQ upang hindi mabasura ang kaso kung magkaroon ng amicable settlement at mawalan ng complainant.
Ang patuloy na paglilipana ng illegal recruiters ay bunga ng mababang conviction rate sa kaso ng illegal recruitment sa bansa, bukod pa sa mababang antas ng kaparusahan sa mga napapatunayang maysala.
Lowest of the low
It is high time na magpasa ng batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga illegal recruiter na maituturing na lowest of the low sa hanay ng mga predator ng lipunan. Bakit?
Eh kasi nga ay ‘yung mga naghahanap ng ikabubuhay ang binibiktima ng illegal recruiters. Kumbaga ay wala na ngang pera ang mga aplikante tapos ay ginogoyo pa nila. Papaano kaya nila nakakain ang bunga ng kanilang masamang gawa?
Anyway, umiwas na mabiktima ng illegal recruitment. Tumawag sa POEA hotlines: 722-1144 at 722-1155 o kaya ay mag-log on sa online verification system ng POEA sa www.poea.gov.ph para maberepika kung licensed recruiter o placement agency ang ka-deal ninyo o kaya ay may valid job orders sila para sa trabahong inio-offer.
Come follow me on Twitter @beeslist or call 551-5163 or e-mail usapang_ofw@yahoo.com for your comments and questions.