Kinumpirma ni Manila Police District Director Police Brig. Gen. Bernabe Balba na may pinalabas silang memorandum document na humihiling na magkaroon ng update sa listahan ng mga Muslim student sa high school, college at university sa Metro Manila.
Gayunman, nilinaw ni Balba na hindi ito isang profiling sa mga Muslim kundi statistics lamang ng Salaam Police Center sa bilang ng mga Muslim High School at College student sa Metro Manila.
Ginawa lamang umano ito ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) para mapalakas ang Salaam Police sa pakikipag-partner sa komunidad.
“Let me emphasize that the Philippine National Police fully supports all the government’s peace initiatives and holds series of activities in Metro Manila as part of the strengthening of peace building counter violent extremism through its Directorate for Police Community Relations’ Salaam Police Center,” ayon naman kay NCRPO Regional Director Police Brig. Gen. Denold Sinas.
Nilikha umamo ang center para makita ang pagkakaiba ng kultura at problema sa aspeto ng seguridad at kaligtasan. (Juliet de Loza-Cudia)