Ngayong pumasok na ang summer o panahon ng tag-init, madalas tayo ay nagpapawis nang husto kaya naman, kailangan nating uminom ng sapat at tamang bilang ng tubig upang maiwasang ma-dehydrate at para mapreskuhan ang kabuuan ng ating katawan.

Ngunit hindi lang naman sa panahon ng tag-init dapat tayo uminom ng tamang bilang ng tubig kundi ito’y dapat nating ugaliin at sanayin dahil napakahalaga nito sa buhay ng bawat nilalang. Kung wala nito, imposibleng may mabuhay sa mundo.

Sa katunayan, 8 hanggang 10 araw lamang tatagal ang isang tao na walang iniinom na tubig, matapos ang mga araw na iyon, tiyak na mamamatay. Kaya naman, laging pinapaalala sa atin ng mga matatanda at mga alagad ng kalusugan na kailangang uminom ng walong baso ng tubig sa bawat araw.

Sa pag-inom ng sapat na bilang ng tubig, namamantine ang mga likido sa ating katawan kabilang na rin dito ang pagtunaw ng mga kinain, pagsipsip ng mga sustansya, sirkulasyon ng dugo, at maging sa pagmementena ng temperatura ng katawan.

Ang tubig na iniinom ay regular ding nailalabas sa pamamagitan ng pag-ihi, paghinga, at pagpapawis. Kung kaya’t dapat ay mapalitan ang mga ito sa pamamagitan ng pag-inom ng sapat na dami ng tubig.

Nakakatulong ang pag-inom sa pagbabawas ng timbang higit sa kahit ano pa mang pampapayat sa mundo. Itinatapon ng tubig ang tinatawag na “by-products of fat breakdown”.
Ito rin ay nakababawas ng gutom at nagsisilbing “appetite suppressant”.

Nagiging mas malusog at mas bata ang balat. Glowing ang skin kapag “matubig” ang isang tao. Tumutulong ang tubig na ma-­replenish ang skin tissues, namo-moisturize ang skin at nagpapa­taas sa elasticity ng balat.

Ayon sa eksperto, ang tubig ay natural na remedy sa sakit ng ulo at migraines.

Ang utak ng tao ay binubuo ng 90% ng tubig kaya naman ang pag-inom ay makaka-improve ng productivity sa trabaho at paggawa ng iba pang gawain.

Nakatutulong sa digestion at constipation ang pagkonsumo ng sapat na dami ng tubig. Nakabo-boosts din ito ng metabolism.

Ang tubig at ang fiber ay magkaagapay upang magkaroon ng maayos na bowel movement araw-araw.

Sa mga makakaranas ng cramps, sprains at injuries, nakakatulong ang pag-inom ng ­sapat na dami ng tubig dahil kapag tayo ay properly hydrated, ang ating mga muscles at joints ay ­lubricated.

Gayundin naman, kapag pro­perly hydrated ang isang tao ay magkakaroon ng good mood. ‘Ika nga, you will feel good o mas ­energetic sa tuwing sapat ang dami ng tubig sa iyong katawan. Ang katawan ay makakapag-communicate sa utak na siyang magsasabi sa’yo na ikaw ay “happy”.