Staysafe.ph inirekomendang buksan para malaman kung may sintomas ng COVID-19

Inirekomenda ng Department of Health (DOH) sa publiko na buksan ang `staysafe.ph’ para malaman kung may sitomas ng COVID19.

Nabatid sa naturang site ay maaring matutunan ang mga dapat gawin kapag may sintomas ng virus.

Ito rin umano ang magsasabi kung dapat kang magpakonsulta, humingi ng tulong sa mga kinauukulan, o manatili sa bahay.

Itinuturing na confidential ang anumang impormasyon.

Maari din umano itong makatulong sa iyong mga kaanak para malaman mo kung siya ay may COVID19 dahil dito ay makikita mo ang mga sintomas ng virus at kung ano ang klasipikasyon ng iyong sakit at ang pamamaraan na itong gagawin para ikaw ay gumaling.(Juliet de Loza-Cudia)