‘Steal as one’ sa pagbili ng anti-COVID medical supply imbestigahan – Pangilinan

Dapat umanong imbestigahan ang alegasyon na nagkaroon ng overpricing sa mga medical supply ng gobyerno para sa COVID-19, ayon kay Senador Francis Pangilinan.

“Is it ‘steal as one’ in the procurement of anti-COVID medical supplies? The alleged overpricing of medical supplies for the government’s campaign to control the spread of COVID-19 should be investigated, “ sabi ni Pangilinan.

Nauna nang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na bilyong pisong taxpayer money ang maaring napunta sa bulsa ng ilang korap na opisyal ng gobyerno na nasa likod ng pagbili ng diumano’y overpriced na personal protective equipment (PPE) para sa mga health worker.

Nagkaroon din umano ng overpricing sa biniling swabbing supplies na ginagamit polymerase chain reaction (PCR) tests para sa mga pinaghihinalaang may coronavirus carriers.

“Gusto rin nating malaman ang katotohanan tungkol dito. ‘Steal as one’ ba ang nangyayari sa pagbili ng mga anti-COVID medical supplies?” tanong ni Pangilinan.

“It’s unconscionable how some individuals could even think of exploiting the purchase of medical supplies for their selfish ends, if reports are true,” dagdag nito.

“By jacking up prices of supplies such as swab kits and personal protective equipment, we get less units that what is needed, depriving the people and medical front-liners of the defenses they need to fight COVID-19,” ayon pa sa senador.

Matatandaan na ibinunyag din ni Senadora Grace Poe na may isang milyong set ng PPE na binili ang DOH na diumano’y overpriced ng P1.4 bilyon subalit pinabulaanan na ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.